« true faith - say a prayer | Main | miguel escueta - balik simula »

true faith - siguro nga

Siguro Nga
Artist: True Faith
Album: Stray To Be Found

LYRICS

Siguro nga
Kahit na ilang ulit kong piliting
Limutin kang lubusan
Hindi pa rin
Ikaw pa rin ang nasa isip

Akala ko
Madali lang sa isang tulad kong pilyo
Ang humanap ng ibang kapalit
Panaginip ka sa aking pag-idlip

[Chorus]
Siguro nga
Nararapat lang na tayo'y magkabalikan
At huwag nang lumingon pa
Siguro nga, talagang dapat tayong dalawa

Kahapon lang
Ako'y napadaan sa ating tambayan
Saksi ng ating nakaraan
Na para bang kailan lang

Bigla na lang
Umulan at nabasa ang lahat sa paligid
Pangungulila'y bakas ng pag-ibig
Naghahanap at sumisilip

(Repeat Chorus)

Ilang araw ko nang dala 'tong sakit
Alaala mo ay may kasamang pait
Baka nga kailangan yakap mo at halok
Makakamit ko lang kung ikaw ay babalik

Siguro nga
'Wag ko na kayang labanan 'tong nangungulit
Gumugulo sa aking isip
Baka ako'y magsisi muli

(Repeat Chorus)

Siguro nga...
Siguro nga....(2x)

Post a comment