« apo - kami napo muna ulit | Main | shamrock - just a smile away »

sponge cola - saan na nga ba'ng barkada

Saan Na Nga Ba'ng Barkada
Artist: Apo Hiking Society

Revival: Sponge Cola
Album: Kami nAPO Muna Ulit - Tribute to Apo Hiking Society

LYRICS

Nagsimula ang lahat sa eskwela
Nagsama-samang labing-dal'wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa isa't-isa.

Madalas ang istambay sa Cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Konting udyok lamang kakanta na.

[Refrain I]
Kay simple lamang ng buhay non
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon?

[Chorus I]
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na napunta ang panahon?

Sa unang ligaw kayo'y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada

Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga'y hindi nawala.

[Refrain II]
At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating eskwela meron ding naiwan
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan

[Chorus II]
Saan na nga ba, san na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?

Ilang taon din ang nakalipas
Bawat isa sa amin, tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawang kinabukasan.

Paminsan-minsan kami'y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa eskwela
Pag magkasama ay nagwawala

[Refrain III]
Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang ilang taon
Magkakabarkada pa rin ngayon.

[Coda]
Magkaibigan, mga kaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkabarkada pa rin ngayon.

Comments

ok ganda tong kantang to ganda rin ng revival ok ung tugtugan!solve!

ganda ng song n 2 team song 2 ng barkada namin

ang ganda tugtugin 2 kc maalala ko ang mga barkada ko nun highskul!!!!!
mga bonding namin nun sa tabing dagat!!!!!

I love it! ang ganda naman...naalala ko college life ko...gracias

wowwwwwwwwwwwwwww!!!!
naKaKamizz naman ang barkada!!!ganda kc ng song ehH!!!

anglipet talagang Spongecola

kung sino man ang nag compose ng kantang ito ay lubos ang aking pag hanga sa kanya kasi napakaganda ng kantang ito!
sa tuwing maririnig ko ang kantang ito ay naaalala ko ang aking mga kaibigan nung elementary at high school hangang ngayon hindi parin nasisira ang aming barkada DHEMS!!!

kung sino man ang nag compose ng kantang ito ay lubos ang aking pag hanga sa kanya kasi napakaganda ng kantang ito!
sa tuwing maririnig ko ang kantang ito ay naaalala ko ang aking mga kaibigan nung elementary at high school hangang ngayon hindi parin nasisira ang aming barkada DHEMS!!!

love it !!!!!!!!
bagay sa mga cute !!! taduug!^_^

Hisalahat ng nagkakagusto sa kantang to diva ang ganda!

uh,., lAV iT,.,.

Post a comment