« parokya ni edgar - pompiangan na | Main | parokya ni edgar - eman »

parokya ni edgar - amats

Amats
Artist: Parokya Ni Edgar
Album: Solid

LYRICS

Nung nag-inuman tayo masaya ka masaya din ako
Ng barkada ko at barkada mo lagi na lang tayong tinutukso
Ilang bote lang ang lumipas ang hirap mo nang makausap
Mapungay na ang iyong mga mata ang paligid ay maingay na

Tatlong beses mong ikinuwento nung madapa ka dyan sa kanto
Limang ulit kang nalito kung ano ang pangalan ko
Pero biglang nawala ang amats ko ng madulas ang dila mo
Di makapaniwala ang tenga ko ng biglang sabihin mo

Masarap ka palang kausap buong maghapon o magdamag
Alam mo ba ang sikreto ko matagal na kitang gusto

Pagkatapos ng isang linggo binantayan ko ang mga kilos mo
Tinanong ko ang mga kabarkada mo wala akong nakuha kahit ano
Tatlong beses kong pinagisipan baka nagpapakipot ka lang
Limang ulit kong sinabi sa sarili ganyan talaga ang babae

Kaya biglang nawala ang duda ko nadulas na ang dila mo
Di makapaniwala ang tenga ko noong sinabi mo

Masarap ka palang kausap buong maghapon o magdamag
Alam mo ba ang sikreto ko matagal na kitang gusto

Di ko na mapigilan kailangan kong malaman
Tinulungan kitang aminin ang matagal mo ng inililihim
Tatlong beses mo akong minura sa harap ng iyong barkada
Limang ulit na nabasag ang puso ko nung sabihin mo na ang kapal mo

Kaya biglang nawala ang amats ko nakagat ko ang dila ko
Di makapaniwala ang tenga ko sa mga sinabi mo

Ang labo mo palang kausap kapag may beer ka lang matapat
Kahit maubos ang pera ko mainuman na lamang tayo
Sana kapag ubos na ang pulutan at tapos na ang mga kuwentuhan
Kapag simot na ang laman ng bote ko sanay’y mahal mo ulit ako

Post a comment